Videos
Videos
Dos and Don’ts for Handling Dogs in Public Places (Tagalog version)
Dos and Don’ts for Handling Dogs in Public Places (Tagalog version)
|
|
Super: |
Mga Dapat Gawin at Mga Hindi Dapat Gawin ukol sa Pagdadala ng mga Alagang Aso sa mga Pampublikong Lugar |
FVO: |
Kung ikaw man ay nagmamay-ari ng aso o hindi
tuwing maglalakad ka kasama ng iyong alagang aso
ikaw ay dapat na magbigay-pansin sa mga sumusunod:
DAPAT dalhin ang iyong alagang aso sa pinakamalapit na palikuran ng aso
Kung sakaling walang palikuran ng aso sa paligid
dapat kang magdala ng sapat na diyaryo
o mga plastic bag sa tuwing maglalakad ka kasama ng iyong alagang aso
Ibalot ang dumi ng aso gamit ang mga diyaryo
o mga plastic bag at ilagay ito
sa Dog Excreta Collection Bin o basurahan
Bilang karagdagan
DAPAT kang magdala ng sapat na malinis na tubig para banlawan ang lugar kung saan
ang iyong alagang aso ay umihi
Ang sinumang taong nagpabaya para bumaho ang mga pampublikong lugar dahil sa pagdudumi ng kanyang alagang aso ay mumultahan ng HK$3,000
Para sa mga detalye, maaring bisitahin ang website ng Kagawaran ng Kalinisan sa Pagkain at Kapaligiran www.fehd.gov.hk. |
Super: |
Ang sinumang taong nagpabaya para bumaho ang mga pampublikong lugar dahil sa pagdudumi ng kanyang alagang aso ay mumultahan ng HK$3,000 Para sa mga detalye, maaring bisitahin ang website ng Kagawaran ng Kalinisan sa Pagkain at Kapaligiran www.fehd.gov.hk. |
FVO: |
DAPAT panatilihing nasa iyong kontrol ang iyong alagang aso tuwing nasa mga pampublikong lugar
o tuwing ilalabas mo ito
Ayon sa batas
ang mga asong may timbang na 20 kg
o pataas ay dapat panatilihing
may tali na hindi lalagpas sa 2 metro ang haba
sa mga pampublikong lugar
|
Super: |
Ang sinumang taong lalabag sa regulasyong ito ay maaring multahan ng HK$25,000
at
pagkakabilanggo ng 3 buwan
|
FVO: | DAPAT maging mapagsaalang-alang sa lahat ng oras |
M: | Ikaw muna. |
F: | Salamat! |
FVO: |
DAPAT linisin ang mga paa at mga daliri ng paa ng iyong alagang aso pagkatapos mo itong ilakad sa labas
HINDI DAPAT bayaan na ang iyong alagang aso ay mawala sa iyong paningin
o gumambala sa iba
HINDI DAPAT bayaan ang iyong alagang aso
na lumapit sa ibang mga hayop na pinaghihinalaang may sakit
|
Super: |
www.pets.gov.hk
Tel: 1823
Fax: 2311 3731
Email: mailbox@afcd.gov.hk
Agriculture, Fisheries and Conservation Department
5/F, Cheung Sha Wan Government Offices, 303 Cheung Sha Wan Road, Kowloon
|